Linggo, Nobyembre 19, 2017


BATAAN EXPLORATION 

Pilar,Bataan


Kung ikay naiinip o tinatamad na sa inyong mga tahanan dahil wala kayong magawa o kaya't hindi na kayo masaya sa inyong mga pinapasyalan dahil iyon at iyon lang din ang nakikita nyo, halina't dumayo at lakbayin natin ang natatagong yaman ng probinsya ng Bataan. Kung saan makakakita ka ng magaganda at makasaysayang mga tanawin. Siguradong maeenjoy at mabubusog ang inyong mga mata sa aming mga ipapakita kaya TARA NA!


Unahin na natin ang pinaka sikat at isa din sa mga dinarayo ng karamihan dahil itoy isa sa mga makaksasayang lugar sa Pilipinas na matatagpuan sa Pilar,Bataan

MT. SAMAT NATIONAL SHRINE ( Shrine of Valour )

Itinuring na makasaysayan ang lugar na ito dahil itoy itinayo para sa mga namatay at nagbuwis ng buhay na mga pilipino at amerikano noong panahon ng Ikalawang digmaang Pandaigdig. Tuwing Hunyo 9 dinaraos ang Araw ng kagitingan para sa mga bayaning pilipino.Kaya naman dinarayo ito ng karamihan,hindi lamang dahil itoy makasaysayan pati narin sa kagandahan ng lugar na ito.

Pangulong Rodrigo Duterte bumisita noong Araw ng Kagitingan


Mapapa WOW ka na nga lang sa sobrang ganda ng tanawin dito mula sa loob at labas, halina't libutin natin ang ganda ng Dambana ng Kagitingan

Ang lugar na ito ay walang pinipiling tao mapa bata,matanda,pamaliya o barkada pa yan pwedeng pwedeng pumunta dito. Sa pag akyat mo pa lamang o pag sakay sa isang transportasyon makikita mo na ang mataas at malalaking puno na perfect para sa instagram feed mo, bukod pa yan sa katahimikan ng lugar na pinapaingay ng mga huni ng ibat ibang ibon nakatira dito, perfect para sa taong gusto mag biking at hiking sa patag na lugar nga lamang na humigit 5 kilometro.


Pag akyat mo naman bubungad sainyo ang isang flagpole at ang isang altar na gawa sa marble tiles at may tatlong stained glass murals sa likod nito. Makikita din dito ang tinatawag nilang Colonnade (museyo) kung saan makikita ang ibat ibang koleksyon na bagay na ginamit noong World War II.




Sa likod ng altar na ito makikita na ang malaking krus na 92 metro ang laki, mapapa AMAZING ka na nga lang sa ganda nito dinagdagan pa ng mga ibat ibang sculpture ng mga ating mga bayani sa bandang baba ng krus.

Sculpture ng mga Bayani sa Pilipinas

Kung gusto mo namang pumunta sa tutktuk ng krus maaari kang sumakay ng elevetor patungo dun. Pag akyat doon may makikita kayong mga bangko na nakaharap sa bintana, ma eenjoy mo dun ang 360 view ng Bataan.


Napaka sulit ng pag punta nyo rito,hinding hindi talaga kayo magsisisi kaya bisitahin nyo na ang Bundok Samat.

Sa pagpunta dito mula manila hanggang bataan sumakay ka ng bus (Bataan Transit o Genisis) ang magagastos mo na pamasahe dun ay P200.00 at pagkababa mo sa terminal sumakay ka ng jeep na Cabog Cabog at bumaba ka sa Mt.Samat sa Pilar (P17.00). Sumakay ka naman ng tricycle kung ayaw mo maglakad pa punta sa tuktuk.(P100.00).



PAALALA!!!

  • P20.00 para sa entrance fee ng shrine
  • P20.00 din sa pag park ng sasakyan nq maliliit at P30.00 sa malalaki
  • P10.00 sa elevator paakyat sa tuktuk ng krus 
  • Nagbubukas ang shrine tuwing 8:00am hanggang 5:00pm
  • kung mag oover night ka maaari kang mag check in sa pinaka malapit na hotel sa baba ng bundok
  • Magdala ng sariling pagkain at tubig dahil walang bilihan sa taas
  • HUWAG MAGKAKALAT ALAGAAN ANG KALIKASAN



Pagkatapos niyong magkaroon ng bagong kaalaman at maalis sa makasaysayang Dambana ng Kagitingan o mas kilala sa tawag na Mt. Samat, dumako naman tayo sa lugar kung saan ito ang pinaka extreme 

Mt.Samat Zipline & Bataan’s Tree Hopping Adventured 

Ang Zipline na ito ay matatagpuan sa di kalayuan ng Dambana ng Kagitingan (100 meters away).
Kapag nag zipline ka siguraduhin mong hindi ka pipikit para di mo malampasan ang kagandahan ng view habang ikay umaandar.


Pagka punta mo pa lamang sa pinaka entrance ng Mt.Samat Zipline maaari kang sumakay sa kanilang service car papunta sa Zipline Launch Pad (P350.00 ) ngunit kung ikay isang adventurous person maaari kang mag hike papunta doon. Pagkababa mo pa lang bibigyan na kayo ng mga gear para sa inyong zipline experience na kung saan ang haba nito ay 540 meters at 45 meters naman above sea level. Tiyak na mageenjoy ka sa pagsakay dito dahil sa ganda ng view at hindi lang yun magaala SUPERMAN ang feel mo dahil para ka talagang lumilipad sa ere. 



Kung gusto mo pa ng mas extreme na adventure maaari ka namang pumunta sa Bataan’s Tree Hopping Adventured na malapit lang din dito kung saan masusubukan ang inyong galing at lakas sa anim sa stages na madadaanan nyo. Tiyak  na masisiyahan at mageenjoy ang bawat isa sainyo sa extreme activitie na mga ito,kaya naman why not to try? napaka sayang experience and bonding ito sa bawat isa.



PAALALA!!!
  • Ang Zipine na ito ay nagbubukas tuwing 9:00pm hanggag 6:00pm
  • Bawal ang sasakyan sa mga lugar na ito ngunit pwedeng sumakay sa kanilang service 
  • P300.00 ang bayad sa anim na stages sa Bataan’s Tree Hopping Adventured 
  • HUWAG MAGKALAT PANATILIHING MALINIS ANG KAPALIGIRAN




Dumako naman tayo sa isa sa mga tagong falls ng Mt. Samat, pagkatapos ng extreme adventure mag relax naman tayo sa himig ng tubig na bumabagsak sa Talon na ito

Dunsulan Falls

Mahirap itong makita dahil wala gaanong pagkilala sa nasabing lugar kahit na ang ibang tao na nakatira sa Bataan ay hindi pamilyar o hindi alam na sa likod ng napakamakasaysayang Dambana ng Kagitingan ay may tinatagong ganda ng kalikasan.

Kung galing kayo sa Mt. Samat ay maaari niyo lamang marating ito sa pamamagitan ng paglalakad dahil hindi pwede ang mga sasakyan at dahil rin madamo ang inyong daanan, maaari niyong marating ito sa loob ng dalawamlung minuto o mahigit. Malalaman niho kung malapit na kayo ay maririnig niyo ang mabilis at malakas na pagbagsak at pagagos ng tubig.
Tamang tama ito para sa kahit sinong tao mapamagisa, barkada, pamilya o kahit sa magkasintahan, malinaw ang tubig at napakamapayapa dahil na rin sa ganda ng mga puno na nakapalibot dito.


Ang falls na ito ay napakataas at ang lalim ay 40-feet. Ang mas kapansin pansin pa rito ay ang natural na pagkakabuo ng mga bato na nakapalibot dito.

Kahit na walang cottages o malapit na hotel na pwedeng pagpalitan ng inyong mga damit ,malinis naman ang paligid nito mayroon namang mga upuan na pwedeng pagpahingahan.


Talagang sulit na sulit ang pagod niyo mula pa sa pag akyat niyo sa Mt. Samat at ang pagpunta dito ay talagang nakakaginhawa ang lamig ng tubig nito. Mapapawi agad lahat ng pagod at makakalimutan mo ang iyong mga problema kaya ano pang hinihintay niyo tara na!!

PAALALA!!!

  • Ang entrance fee dito ay P20.00 (bata) at P50.00(adult)
  • P20.00 naman sa tables
  • HUWAG IWANAN ANG KALAT KAPG KAYOY UUWI NA

Ang lahat ng itoy matatagpuan sa isang puntahan lamang sa Pilar,Bataan.Sulit ang inyong pagpunta dito dahil madami na kayong magagawa,mararanasan at malalaman.Kaya ano pang hinihintay nyo ayain nyo na ang pamilya, tropa or special love ones para sa bonding experience na inyong mararanasan, LET'S GO IN BATAAN!









3 komento:

  1. Ung salitang Travel Blog paki ALL CAPS ung salitang pagakyat dapat may spacing PAG AKYAT.

    ANG FORMAT CONTROL +J nyo para naka Justify ang typing format ng sanaysay

    TumugonBurahin
  2. Ung word na halinat=halina't kayat is kaya't dapat. Ang salitang pilipino ay Pilipino dapat

    TumugonBurahin